ANG KAHALAGAAN NG EDUKASYON KAY CONG. JECI LAPUS
Isa sa mga prioridad na pinagtutuunan ng pansin ni CONGRESSMAN JECI LAPUS ay ang kahalagaan at pantay-pantay na karapatan sa edukasyon. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iba't-ibang scholarships grants :Jesus R. Lapus Scholarship Foundation (JRLSF), CHED Scholarships, at PESFA Scholarships sa mga kabataan sa Ikatlong Distrito ng Tarlac (Bamban, Capas, Concepcion at Lapaz, Tarlac).
Sa tulong ng financial assistance ng mga iba't-ibang scholarship grants na pinamamahagi ni Cong. Jeci Lapus, natutulungan ang mga magulang sa pagpapaaral ng kanilang mga anak.
Sa pamamagitan ng mga ibinabahaging scholarship grants ni Cong. Lapus, nabibigyang pag-asa ang mga pangarap ng bawat mag-aaral sa panig ng Ikatlong Distrito ng Tarlac.
"Edukasyon ang solusyon." Naniniwala si Cong. Lapus na ang edukasyon ng mga kabataan ang siyang makakatulong upang maibangon sa kahirapan ang kanilang mga pamilya, maging ang estado ng bansang Pilipinas.
Higit sa ISANG LIBONG MAG-AARAL na ang mga nabahagian ni Cong. Lapus ng mga scholarship grants simula noon at patuloy pa silang nadadagdagan taun-taon. Ito ang SERBISYONG TOTOO, hatid ni CONGRESSMAN JECI LAPUS sa mga mamamayan ng Ikatlong Distrito ng Tarlac.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento